A bad case of insomnia


Ako’y pumapalag ngunit ayoko pumiglas;
Galaw ng galaw ayaw naman kumalas.
Di makalisan; di naman nakakulong.
Nahihirapan ngunit ayaw sa tulong.
Malaya naman ngunit isang bilanggo.
Umiiling ang isip; puso’y tumatanggo.
Maliwanag na bukas pero nakatira sa kahapon.
Ginituang pagkakataon laging tinatapon.
Di makalayo kahit di nakakadena;
Nakakulong parin sa mga lumang eksena.
Kainuman lagi si kumpareng Alaala;
Tagay ng tagay tas sa huli tutumba.
Okay na ang lahat tapos maghahahanap;
Pipilitin talaga basta makasulyap.
Paano mo iiwan ang nakaraan
Kung bawat hakbang mo ay may binabalikan?
Oo nga at alam mo na lahat ng ito
Pero kung kumilos ka para litong-lito.
Simple lang naman kasi ang solusyon
Wag ka na lang diyan magambisyon.
Wala na. Tapos na. Itikom ang bibig
Dahil kahit ikaw sa iba na napaibig.
Sapat na yon para ang katapusan ay ihudyat;
Ngunit bakit di ko masara itong aklat?

Advertisements

A Penny for your thoughts. Speak your mind.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s